WVSU

Husay at galing sa wikang Filipino, tampok sa 2025 U-Days

Facebook
Twitter
LinkedIn

Talas ng isip at husay sa pagsasalita ang naging puhunan ng mga kalahok sa Filipino Category Competition sa ikatlong araw ng 2025 University Days.

 

Saklaw ng kompetisyon ang Talumpati, Dagliang Talumpati, Pagkukuwento, at Deklamasyon na nilahukan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang kolehiyo at kampus, sa ilalim ng temang “DIGAMO sa West: Discovery and Innovation for Meaningful Growth and Opportunities.”

 

“Bilang kabataang Pilipino, mayroon tayong papel sa pagtiyak na taglay ng mga susunod pang henerasyon ang kaalaman at kahusayan sa Wikang Filipino. Hindi lamang ang ating pagkakakilanlan ang sinisimbolo nito kundi pati na rin ang ating makulay na nakaraan,” ayon kay Thomas Edward Segundera, representante ng College of Business and Management (CBM) sa patimpalak na Talumpati.

 

Para naman kay Yehlette Martin, kinatawan ng College of Education (COE) sa Pagkukuwento, malaking tulong ang kanyang pagsali sa pagpapalawak ng kakayahan sa pagsasalita at pagpapahalaga sa Wikang Filipino.

 

Ang University Days 2025 ay nagsimula noong Enero 27 at magtatapos sa Enero 31.

 

Kwento ni Jhonie Miranda/SILAK Media

Larawan ni SILAK Media