Ngayong Agosto 29, 2025, inorganisa ng WVSU Drop-In Center ang selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa sa pamamagitan ng isang makulay na programa na ginanap sa Rehearsal Room. Lumahok ang mga mag-aaral mula sa Pink, Yellow, Blue, at Green na klase, kasama ang kanilang mga magulang, sa iba’t ibang aktibidad upang isulong ang wikang Filipino.
Nagpakitang-gilas ang mga bata sa entablado na nakasuot ng makukulay na tradisyonal na kasuotan habang ipinapahayag ang kanilang paboritong salitang Filipino, bilang pagpapakita ng yaman ng ating pambansang wika. Ginanap din ang iba’t ibang laro at paligsahan na sinalihan ng mga magulang at mag-aaral.
Sa pagsisimula ng selebrasyon, ipinahayag ni Prop. Rosalea Cornelia A. De Leon ang halaga ng ating pambansang wika, “Sa aton gamay nga selebrasyon subong nga adlaw, balikan ta ang aton mga hampang, mga pulong, kag istorya nga paborito kag importante sa aton.”
Ang pagdiriwang na ito ay marka ng adhikain ng WVSU na magbigay ng makabuluhang edukasyon sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mayamang kultura at wika ng ating bansa.
#WVSUTransformingGenerations
#WVSUexcels


