Tatlumpu’t apat na kalahok mula sa iba’t ibang kolehiyo at kampus ng West Visayas State University (WVSU) ang nagpakitang-gilas ng kanilang talento at malikhaing imahinasyon sa Filipino Literary Competition na ginanap noong Enero 27, 2025, sa University Library.
Ang Filipino Literary Competition ay bahagi ng selebrasyon ng University Days mula Enero 27 hanggang 31, na tampok ang mga pagtatanghal na nakasentro sa temang “Digamo sa West: Discovery and Innovation for Meaningful Growth and Opportunities.”
Tampok sa nasabing kategorya ang mga patimpalak sa pagsulat ng sanaysay at pagsulat ng tula, na may 17 kalahok bawat kumpetisyon.
“Sa una, medyo na-overwhelm ako sa tema ng kumpetisyon, ngunit sa huli, naintindihan ko rin naman ito,” ani Hernani Adame, kinatawan ng College of Agriculture and Forestry (CAF) sa pagsulat ng sanaysay.
Samantala, ibinahagi naman ni Kristine Mainar mula sa Janiuay Campus, na sumali sa pagsulat ng tula, ang kanyang karanasan: “Nung una, hindi ko alam kung ano ang aking isusulat. Mabuti na lang at dalawang oras ang ibinigay sa amin kaya nakapag-isip ako ng maayos at naisulat ko ng maayos ang aking pyesa.”
Ang mga nanalo sa Filipino Literary Competition ay iaanunsyo sa ganap na ika-5 ng hapon, Enero 28, kasabay ng resulta ng iba pang kompetisyon.
Story by Marah Eunice B. Esponilla/The Blue Quill
Photos by SILAK Media and The Blue Quill
![word press watermarks (2)](https://wvsu.edu.ph/wp-content/uploads/2025/02/word-press-watermarks-2-1024x682.jpg)
![word press watermarks (3)](https://wvsu.edu.ph/wp-content/uploads/2025/02/word-press-watermarks-3-1024x682.jpg)
![475375054_122218076972070830_4067513860104418899_n](https://wvsu.edu.ph/wp-content/uploads/2025/02/475375054_122218076972070830_4067513860104418899_n-1024x682.jpg)
![475551595_122218076966070830_530456156135051146_n](https://wvsu.edu.ph/wp-content/uploads/2025/02/475551595_122218076966070830_530456156135051146_n-1024x682.jpg)